Chapter 116 Nagising ako na wala si Fifth sa tabi ko. 7 am na. Napasarap ang tulog ko dahil sa pagod. Nang maalala ko ang biglaang gender reveal ay agad akong kumilos at pumasok sa banyo. Hindi ko na rin namalayan kung paano ako nakarating ng kwarto. Siguro'y binuhat na lang ako ng asawa ko. Naligo agad ako dahil kahit nilinisan ako nito gamit ang wipes na dala... may naaamoy pa rin akong 'something' sa katawan ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Panty nga lang na naman ang problema. Nasa mahirap na desisyon ako ng buhay ko ngayon. Magpa-panty ba ako o hindi? Titig na titig ako sa lagayan ng mga panty. "Kung iniisip mong magpanty o hindi... mag-panty ka, Vee." Napaiktad pa ako sa gulat dahil kay Fifth na hindi ko man lang napansin dumating dahil seryoso akong nag-iisip. Lu

