Chapter Seventy-nine "Saan ka matutulog?" takang tanong ni Fifth sa akin. Buhat ko ang unan ko't palabas na sana ng kwarto. "Sa kwarto ni Via at Vicky. Doon na muna ako." "B-akit? Ayaw mo ba akong katabi ngayong gabi?" takang tanong nito sa akin. "Ah, tiyak ko kasing mahihirapan akong matulog. Baka managinip na naman ako---" "Nandito naman ako, Vee. Kahit managinip ka'y katabi mo naman ako---" "Hindi tayo sure d'yan, Fifth. Paano kung umalis ka ulit? Paano kung sa kalagitnaan ng gabi ay kailangan ka ng best friend mo? Maiiwan akong mag-isa rito---" Lumapit ito. Hinawakan ang kamay ko't iginiya ako patungo sa couch. Tinapik pa nito ang gilid para lang umupo ako. Pero nanatili akong nakaupo. Umupo ito, iginiya naman n'ya ako palapit sa kanya. Nakatayo lang ako, yakap-yakap n'ya. "I'm

