Chapter Eighty Tulala na akong nanonood sa dalawa nang mag-ring ang cellphone ko. Nang tignan ko iyon ay unknown number. Inihatid iyon sa bahay ng tauhan ni Mommy Keia. Kaya naman ngayon ay gamit ko na. Sinagot ko ang tawag kahit na may pag-aalinlangan akong nadamarama. "Hello?" ani ko. Kumaway pa ako kay Via nang sakto kasing tignan ko sila ay nakita kong kinakawayan ako nito. "Vee, si nanay ito." Nanlaki ang matang napatitig ako sa cellphone. "Napatawag po kayo?" "Anak, baka naman nagbago na ang isip mo. Baka naman pwedeng tulungan mo na kami. Hirap na hirap na kami. Ayaw kaming pautangin sa tindahan. Wala ring kita iyong talyer kasi lahat naman na sila ay sa talyer ninyo nagpapagawa. Vee, naman!" may pahikbi-hikbi pa ito. "Kulang-kulang na ang gamot ng tatay mo." "Wala po ka

