Chapter Eighty-one Dali-daling naghugas ng kamay ang dalawang gwapong lalaki. Hinintay namin sila. Hawak ni Fifth ang kamay ko... hindi ko lang alam kung nararamdaman nito ang panlalamig ko no'n. Pamilyar talaga siya si Dale sa akin. Sobrang pamilyar tapos ngayon ay may kaparehong tattoo pa ito at si Via. "Hi, baby girl!" si Thaddeus ang unang natapos at lumapit. "Hi po, Lolo." "Ouch, baby girl! Mas matanda lang ako ng kaunti sa daddy mo---" "Daddy ko?" tanong ni Via. "Thad, kapatid siya ni Vee." "Totoo? Para kayong pamilya. Nanay, tatay, at anak." Ang sarap sanang pakinggan no'n mula sa iba. Pero habang narito ako't nanlalamig dahil sa labis na pagkalito ay hindi ko iyon ma-appreciate. "Kuya Fifth ko lang po siya. Ang popogi n'yo po." Nagpupunas na ng pawis si Dale. Saka i

