Chapter Eighty-three "Inutusan ako ni mommy na tulungan si dad na maglinis ng kulungan ng mga pets nila. Gusto mo bang sumama ulit sa The Alpha's town?" tanong ng asawa ko pagkagising namin. "Dito na muna ako, Fifth. May tutorial si Via later. Balik ka na lang agad." "Okay, baby." Humalik pa ito sa pisngi ko bago siya bumangon. "Maliligo na ako. Aagahan ko sa bahay para makauwi agad." "Okay." Saka ako muling humiga. Nang pumasok na ito sa banyo ay agad kong tinignan ang message ni Mommy Keia. "Once na makaalis si Fifth d'yan ay susunduin kita. Kaya magbihis ka na kapag umalis na siya." Binura ko rin ang message ng ginang saka muling pumikit at naghintay na matapos ang aking asawa. Medyo matagal lang ito sa banyo. Nang lumabas ay dumeretso sa walk-in closet. Paglabas n'ya roon ay

