Chapter Eighty-four Katatapos lang akong i-check ng doctor. Okay naman daw ang baby ko. May mga vitamins itong nireseta at kinokompleto lang iyon. Si Mommy Keia na ang naghintay roon. Habang ako'y nagpapahangin dito sa waiting area. Binabagabag ako nang sinabi nito kanina. Hindi na nadugtungan pa ang usapan kanina at nginitian na lang ako ng ginang. Second child... Oo, pangalawang anak ko ang dinadala ko ngayon. Dahil si Via ay anak ko rin. Iyon nga ang pinapanakot ng aking ina sa akin ngunit hindi naman ako takot na malaman ng lahat. Hindi ko kagustuhan na itago ito. Napilitan lang ako. "Vee?" agad akong napalingon sa ginang na dala ang mga vitamins na iinumin ko. "Bakit ka umiiyak?" takang tanong nito saka lumapit pa sa akin at niyakap ako. "Bakit, Vee?" "Mommy K-eia," yumak

