Chapter 110 Sabi sa akin noon ni Jay-r ay mahal n'ya ako. Tignan mo naman, sa labis na pagmamahal n'ya sa akin ay kasal na siya sa kapatid ko at may anak na. Ngayong sinabi ni Fifth na mahal n'ya ako... dapat ba akong maniwala? No. Baka sa isang iglap, makita ko na lang na silang mag-best friend na ang nagmamahalan. Sakit ko na yata ito... kasama ng lahat ng trauma ko. Itong trust ko sa ibang tao ang isa sa tiyak kong mahirap nang buuin. Nakarating na kami sa mansion. Dumeretso ako sa pinto. "Mahal kita, Vee. Baka lang hindi mo narinig kanina. I love you... so much." "Manang? Manang?" tawag ko sa kasambahay. "Po?" humahangos namang lapit ng matanda. "May alam po ba kayong ENT clinic?" "Ay, wala po." "Gano'n po ba. Sayang naman. Nabibingi po yata ako. Parang kailangan kong

