Chapter 109 "Alam ko iyang ginagawa mo, ate. Inuubos mo ang pasensya ni Kuya Fifth." Nakaupo lang ako rito sa sofa sa sala, nananahimik, pero naakusahan pa talaga. Alas-5 na ng madaling araw. Gising na ito at nalaman ang mga trip ko. Ngayon ay iniisip nito na inuubos ko ang pasensya ni Fifth. "Hoy, bad ang mambintang." Sabay iwas ng tingin dahil hindi ko rin naman kayang tagalan ang nag-aakusa nitong tingin sa akin. "Ate Vee, hindi ka ganyan. Sabi mo sa akin no'n ay walang kasalanan si Kuya Fifth. Pero galit ka sa kanya at pinahihirapan siya." "Vicky, tigil ka na. Masyado pang maaga para masira ang mood ko." Aminado naman ako na nitong mga nakaraan ay ang iksi lang talaga ng pasensya ko. "Pero ate, sa tingin ko ay mas magandang mag-usap kayo ni Kuya Fifth. Kung ayaw mong ayusin pa

