“Okay, I got it. I mean a serious boyfriend in person,” ani ni Caleb. “Wala,” aniyang tumitig dito. Natawa na naman ito kaya nainis na siya. “Hindi ka ba naniniwala?” naiinis na sabi niya dito. “Naniniwala, siyempre,” anitong pero parang hindi kumbinsido sa sinabi niya. Sabagay, sino nga bang naniniwala eh dinaig pa niya ng porn star sa pinagsusulat. “Labas sa ilong,” aniya dito. “Let’s eat na nga lang. Baka saan pa mapunta ang usapan na ‘to,” anitong nakangiti. “Okay, sabi mo eh. Basta, first boyfriend kita,” seryosong sabi niya at uminom muna ng tubig. Natigilan naman ito. "I am?" tanong na naman nito. "Bungol talaga," bulong niya. "I heard you, Sweetheart. Hmmm!" anito habang hinihiwa ang steak. Pagkatapos ay inilapag nito sa harap niya. "For you," anito at kinuha ang i