"Ikaw ang mamaya lang sa akin!" sagot niya habang nagpupunas ng sarili sa loob pagtapos sinuot ang roba. Mayamaya ay lumabas na din siya. Napatigil si Dominique sa paghakbang papalapit sa vanity ng makitang titig na titig si Caleb sa kan'ya. Wala itong suot na pang-itaas. "Bakit?" tanong niya dito at nakataas ang kilay. "Nothing," anito at tumayo. Napalunok siya ng makitang towel lang ang nakabalot sa baba nito. Naglakad ito palapit sa kan’ya kaya naupo siya sa vanity agad. Tinali niya ng maayos ang roba. Wala pa naman siyang underwear. ‘Yong kakaligo mo pa lang tapos init na init ka na naman. Hanggang kailan siya magtitiis? Pilit niyang nilalabanan ang sarili kapag nasa paligid lang si Caleb. Malakas lang loob niya kapag malayo ito sa kan’ya. Napaangat siya ng tingin sa salami