"What the hell, woman! Bakit mo ginawang punching bag ang guwapong mukha ko?" nagtatakang tanong ni Axel habang hinihimas ang masakit na parte ng mukhang tinamaan niya. Natawa siya ng mapakla ng marinig ang sinabi nitong guwapo. "Masyado ka namang GGSS! Para yan sa kaibigan ko, siraulo ka!" galit na sabi niya dito. "Who the hell are you? Are you one of my exes? At sinong kaibigan bang tinutukoy mo?" inis na tanong nito. "’Di ako pumapatol sa mga siraulong pulis na kagaya mo! Kaya 'wag mo akong idagdag sa mga naging ex mo!" Si Ezekiel at Dave ay natatawa lang habang pinapanood sila. "Kilala niyo?" naguguluhang tanong ni Axel sa mga kaibigan. "Yes, Chief. Bagay lang sayo ‘yan, masyado kang nagpa-alipin sa kamandag ni Caleb, eh," natatawang sabi ni Dave. Natigilan ito bigla at