Wala pang alas-dose ay dumating na si Caleb para sunduin siya. Hindi pa siya kumakain dahil tinatapos niyang pirmahan ang bagong lapag ni Sarah na mga for signature. Umakyat muna ang binata nang sabihing may tatapusin lang siya. Inabot pa siya ng alas dose y media. Inayos niya muna amg mesa niyang magulo bago umakyat. Nag-leave lang siya ng note sa table ni Sarah para sa mga habilin niya. Sa labas kasi kumakain ng lunch si Sarah. Minsan lang ito kumain sa table nito kapag tambak ang ginagawa nito. Pagkatapos idikit ang sticky notes na tatlo sa monitor ni Sarah ay lumabas na siya at tinungo ang executive elevator paakyat ng penthouse. May isang floor pa bago ang penthouse niya. Ang pagkakaalam niya ay pag-aari ng ibang shareholder ang buong floor na iyon. Mabilis na inihakabang niya ang

