Akala ni Dominique nagbibiro lang si Caleb na makikitira sa penthouse niya. Pagkatapos ng trabaho nito ay doon na tumutuloy sa kan’ya. Naiinis lang siya kapag may biglaang lakad ito at hindi nakakauwi ng maaga. Kagaya ngayon alas-onse na ng gabi pero wala pa rin ito. Tulog na tulog na din ang anak nila. Pakiramdam niya hinihintay nito ang ama pagdating dahil laging nakatingin sa may pintuan noong nasa sala sila. Mabilis din kasi makatulog ang anak kapag nasa bisig ni Caleb. Mas malapit na nga ngayon ang anak sa ama nito. Nakailang beses na siyang sumubok na pumikit pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Although nag-text naman si Caleb na late uuwi still nag-aalala siya. Tumayo siya at nagpahangin sa terrace. Hindi pa rin siya dinadalaw ng antok dahil okupado ang utak niya ni Caleb.

