Napayakap si Dominique sa sarili ng maramdaman ang lamig na nagmumula sa aircon. Nanunuot sa bawat himaymay ng kalamnan niya. Hindi niya alam kung ilang minuto, o oras ang itinagal ng marahas na pag-angkin ni Caleb sa kan’ya kagabi. Nanakit ang mga kalamnan at maselang bahagi niya. Hindi siya gaanong makagalaw. Kaya nanatili siyang nakatulala sa kawalan. Naaawa siya sa sarili. Nanunuyo na ang lalamunan niya pati labi niya ay dry na, malapit ng mamalat. Nauuhaw na din kasi siya. Napapikit siya ng tumunog ang tiyan niya. Hindi niya alam kung anong oras na. Gutom na siya. Gusto niyang magbihis pero parang hindi kaya ng kan’yang katawan na bumangon. Napahigpit ang hawak niya sa kumot na nakabalot sa kan’ya nang marinig ang seradura ng pinto. Kinakabahan siya dahil baka angkinin na naman si