Napahawak si Dominique sa dibdib bago pinindot ang passcode ng binata. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago pinihit ang seradura. Madilim na paligid ang bumungad sa kan’ya pero bukas ang kuwarto ng binata. Kita niya ang liwanag na nanggagaling doon. Kinapa niya ang switch sa gilid para bumukas ang ilaw. Nagulat pa siya ng makita si Caleb na papalabas ng silid nito na nakatowel lang. Sinalubong siya ng mga matang galit ni Caleb. Kumibot ang mga labi nito pagkuwan. "What are you doing here?" matigas na boses na tanong ng binata. "Caleb…" "I'm asking you, woman. Anong ginagawa mo dito?" pigil ang galit sa boses ng binata sa pagkakataong iyon. Lalapit sana siya sa binata ng lumabas ang pamilyar na babae. Yumakap ito sa binata mula sa likod. Tanging bra at underwear lang a