Nasa himpapawid pa lang sila ng mga oras na iyon. Kitang kita niya ang kabuuan ng Hotel De Astin. Malapit na silang lumapag sa helipad ng hotel na pagmamay-ari ni Kendra at Sebastian. Namangha siya nang makita ang mga cabin na moderno. Mas lalo siyang namangha nang makita ang mga VIP cabin na nasa mababaw na parte ng dagat. Kitang kita ang mapuputing buhangin sa linis ng tubig na nakapalibot sa cabin. Akala niya noong una floating cottages pero hindi. Gawa sa mamahaling kahoy ang mga ito maging ang daang kumukonekta sa bawat cabin. Para siyang nasa Maldives. Buti na lang sumama siya sa binata. Ininvite din naman siya ni Nikki pero nahihiya kasi siya. Si Caleb talaga ang pumilit sa kan’ya. Napabaling siya kay Caleb nang pisilin nito ang kan’yang palad. "Like it here?" tanong nito nang