Nagising kinabukasan si Caleb sa sunod-sunod na tunog ng telepono niya. Napangiti siya nang makita ang kanang kamay ng dalaga na nakapaloob sa T-shirt niya. Bago pa uminit ang buong paligid ay dahan-dahan niyang tinanggal iyon at hinalikan ang dalaga sa noo. Inayos pa niya ang kumot na nakatabing dito. Kinuha niya ang istorbong telepono niya bago umalis sa kama. 5 missed calls from Ezekiel. Wala siyang balak na sagutin ito. Hindi pa man niya nailalapag ang hawak na telepono nang tumunog ulit iyon. Sinagot na lang niya ito. Baka importante nga. "Busy?" bungad ni Ezekiel. "Yeah, why?" sabi niya at nilingon ang dalagang himbing pa rin. "Sebastian called. May mission tayo, Moore. Get ready." "What mission? Have you forgotten? I'm a businessman, not a detective nor pulis. Si Axel ang