Nakahinga ng maluwag si Dominique ng makita ang anak sa kuna nito. Ang buong akala niya ay iniwan ito ni Caleb sa kama mag-isa. Inaayos niya ang pagkakahiga nito at hinigit ang isang tsupon na may lamang malinis na tubig saka tinaktak ang milk container. Nakita niya sa gilid ng mga mata ang binatang nakatunghay lang sa kanila. Mukhang gutom ang anak, sinisipsip na nito ang hinlalaki nito habang natutulog. Hindi siya p’wedeng magpadede sa anak dahil galing siya sa pagod. Pagka-shake niya ng tsupon na may lamang gatas ay agad na isinubo iyon sa anak. Napasainghap siya ng maramdaman ang yakap ng binata mula sa likod niya. "Caleb… " Napapikit siya dahil ang higpit ng yakap nito. Itinukod nito ang baba sa balikat niya. "He's my son, right?” tanong nito na ikinatigil niya. Alam na nito? P