Mabilis na sinalo ni Caleb ang throw pillow, na binato sa kan’ya ni Ezekiel. "Gago! Naniwala ka naman sa palabas nila? Gasgas na para sa akin," anitong napahalakhak. "Hindi bumenta sa amin. Sa’yo bentang-benta? Kaya ka naiisahan ng kalaban mo," singit ni Axel na may dalang vodka. "Me, bud? Never ko pang tinatanggal ang wedding ring namin ng asawa ko. Simbolo ng pagmamahalan namin ‘yon, bakit ko naman kakalimutan? Diba?" komento ni Blake na may hawak namang pulutan. "Subukan mo lang hubarin ang singsing, Kent. Sa resthouse ka matutulog ng limang araw," banta ni Kendra sa asawa. “Wife naman, narinig mo naman sinabi ko, diba? I love you!” anitong ngumuso sa asawa. Iningusan lang ito ni Kendra sabay pasok sa loob ng bahay nito. Narito sila ngayon sa bahay nila Blake. Nagkayayaan lang. H