Unti-unting nawawala na si Dominique sa katinuan. She wants him. So bad! Nagpatianod siya hanggang sa makalabas ng ZL Lounge. Pinagbukas siya nito ng pinto ng sasakyan. Sinundan niya lang ang binatang nagsusumigaw sa kakisigan. Para hindi maputol ang init sa pagitan nila, hinalikan siya nito ng mapusok habang sinusuot nito ang seatbelt sa kan’ya. Hingal sila pareho pagkatapos ng pinagsaluhang halik na iyon. Pabitin ang binata, naiinis siya. Gusto niyang maramdaman muli ang binata. Hindi niya akalaing sobrang sabik na sabik siya sa binata. Mabilis ang kilos ng binata na pinaandar ang sasakyan. Pinagsiklop nito ang kamay nila habang nasa daan. Panay ang halik nito sa kamay niya kaya hindi nawawala ang init na nararamdaman niya. Dahil din siguro sa epekto ng alak kaya nagkakaganito siya.