Nagising siya bigla ng may naramdamang labi na humahalik sa kan’ya. Marahan iyon. Nanlaki ang mata niya ng mabungaran niya si Caleb, na nakaawang ang labi. At bakit basa ang labi nito? Bigla niyang kinapa ang sariling labi. Shit! Basa din ang kan’ya! Hinalikan siya nito habang tulog? Umusok na naman ang ilong niya. "What did you do?" tanong niya at tinulak ang noo nito para lumayo sa mukha niya. "Nothing. Ginising lang naman kita," nakangising sabi nito. "Caleb!" "What? Totoo namang ginising kita," "Tapik will do! Bakit hinalikan mo ako?" inis na sabi niya dito. "I did. Pero ‘di ka nagising. I heard you groaning and naisip kong… you know... I'm sorry, I just can't help it," mahinang sabi nito. Naningkit ang mata niya sa sinabi nito. Kaya, mabilis na lumanding sa guwapong mu