Kasalukuyang sinusubuan niya si Callen nang makarinig ng kalampag sa gate niya. Ayan na naman. Hindi siya nagkamali. Si Grecco nga ang nasa labas ng gate. “Cupcake, pagbuksan mo naman ako!” dinig niyang sambit nito sa labas. “Hindi ko kayang hindi ka makita ng isang araw.” Napapikit siya sa narinig. Aakalain talaga ng mga kapitbahay nila na may relasyon sila. Ang kapal din talaga ng mukha. Nakailang ulit pa itong tawag sa kan’ya kaya sinilip na niya ito. May mga taong nakatunghay mula sa bintana. ‘Yong iba na tumigil pa para panoorin ang ginagawa ni Grecco. Lagi itong gano’n. ‘Yong huli yata no’ng nang harana ito ng alas-onse ng gabi. Ang lakas ng sapak sa ulo. Kita ng tulog na ang mga tao saka nangistorbo ng ganoong oras. Pero sa kabilang banda, natutuwa siya kasi naging crush niya i