Kinabukasan pag-gising niya ay may nakahanda ng pagkain sa mesa. Napangiti siya nang makita at mabasa ang note na nakadikit doon. Eatwell, Sweetheart! I love you. Your Adam, Caleb Pumunta siya sa sala at puwesto katabi ng telepono. Si Hailey ang sumagot. Kaagad din naman nitong finorward sa binata nang nakilala siya sa kabilang linya. “Good morning, Adam. I love you too. Thanks for the food,” derederechong sabi niya kay Caleb sa kabilang linya. Natawa naman ito sa narinig. “I love you more, Sweetheart! Parang gusto ko umakyat,” parinig nitong natatawa. “Magtrabaho ka lang jan. Hilig mo din talaga, eh! Sige, na. Bye, my Caleb!” sabi niya at ‘di na niya inantay ang sagot nito. Napailing na lang siya sa nobyo. Oo nga pala ‘di niya ito pinansin kagabi pagkatapos niyang lutuan ito inaba