Blaire, I don't want anyone else to have your heart, kiss your lips, or be in your arms...because that's my only place... Josh Ilang araw ko nang pasimpleng sinisilip ang braso ni Blaire. Ni minsan hindi ko pa nakitang suot niya iyong bracelet na bigay ko sa kanya nung galing kami ng California nung huling summer vacation. Minsan tuloy, gusto kong sitahin si Jett kung talagang ibinigay ba niya. Baka mamaya naisahan niya ako, at kay Athena niya ibinigay. Pero alam ko namang hindi gagawin sa akin iyon ng kakambal ko. Hindi ko na ‘yun nilagyan ng note na galing sa’kin ‘yun. Pero obvious namang ako lang ang tumatawag ng baby sa kanya sa aming lahat. Para namang piniga ang dibdib ko, sa isiping may iba pang tumatawag sa kanya ng baby. May boyfriend na ba siya? Dalawang buwan lang kaming