Blaire, I love you and that’s the start and quit of the whole thing. Josh "Josh, paano mo nalaman iyong tungkol kay Sevie?" tanong ni Mommy nang masalubong niya ako. Palabas siya ng bahay dito sa resort namin, at ako naman ay naghahakot ng mga dala naming gamit. Babalik na kami sa bahay namin sa San Pedro. Nginitian ko siya. "Secret, Mommy. Baka magalit sa akin si Ninong Adam." "Hus! Masyado kang sumisipsip sa magiging biyenan mo, ha..." panunukso ni Mommy sa akin. "'My, di ba sabi nga, kapag may itinanim, may aanihin?" nakangiti kong sagot sa kanya. Hindi na ito nag-abalang kulitin ako. "Bahala ka. Pagbutihin mo 'yang pagsisipsip mo," sabi lang nito, at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa dala naming van. Iyong tatlong pamilya ay nauna nang umalis sa amin. Binalikan ko na iyong