Josh, I have to force myself to look away from you because I easily get lost in your eyes... Hyacinth [Hyacinth] "Athena Lagdameo, will you be my date in the Junior-Senior Ball?" Kalalabas lang namin ng room ni Athena, at nagulat lahat nang biglang lumapit si Jett dito sabay abot ng bungkos ng bulaklak kay Athena. Nakita kong malapad na napangiti si Athena sabay tumango-tango. "Yes..." sabi nito, na halos hindi lumabas sa bibig nito ang pagkakasabi. Bigla naman itong niyakap ni Jett, at saka nagpalakpakan ang ibang classmates namin. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Pero hindi ko maalis na malungkot sa pag-aalala kung sino kaya ang inaya ni Josh na ka-date niya. Kahit may pag-aalinlangan ako, umaasa akong ako ang aayain niya. Dalawang linggo na lang at Jun-Sen Ball na. Huling