Josh, One of the most valuable gifts I have ever received in my entire life was my first love and that is you. Hyacinth Hindi ko mapigilan ang pagngiti habang pinagmamasdan ko ang binili kong bulaklak. Nasa sasakyan ako, at tinatahak na namin ni Kuya Lando ang daan pauwi sa bahay namin. Pagka-alis ko kanina sa bahay nila Blaire ay agad akong dumerecho sa mall. Hindi na ako makapaghintay pa bukas, gusto kong gawin at tapusin na ang gagamitin kong props para sa date proposal ko para kay Blaire. Mabuti na lang at umabot pa ako sa mall. "Baka mapunit na iyang labi mo, bata!" narinig kong sabi ni Kuya Lando. Nakangiti pa rin na nilingon ko si Kuya Lando. Masyado akong masaya para magsalita. Sa sobrang saya ko nga kanina, muntik ko nang mahalikan si Ninong. "The best ka talaga, Ninong!"