Blaire, It's okay to fight for someone who loves you. It's not okay to fight for someone to love you. There's a huge difference... Josh "Hyacinth?" Alam kong pangalan ko 'yung tinawag, pero hirap akong maidilat ang mga mata ko. Ultimo ang katawan ko ay hindi ko maigalaw, na para bang kulang na kulang ako sa tulog. "Hyacinth..." This time, may kasamang marahang pagyugyog sa balikat ko ang pagtawag sa pangalan ko. Pinilit kong gisingin ang diwa ko. Nagawa kong dahan-dahang magdilat ng mga mata. Ikinurap-kurap ko muna ang mga mata ko, bago ako nag-angat ng mukha. Nakita ko ang nakangiting si Ninang Clover sa tabi ko. Agad akong napalingon sa kama, kung saan ako yumuko pansamantala para umidlip nang konti. Nakita kong payapa pa ring natutulog si Josh. Mula kahapong dumating kami dito