Josh, Never put yourself in a situation where you are not sure of where you stand in a person's life... Hyacinth Tinatamad akong bumangon kinabukasan. Sabado ngayon. At pag Sabado, as usual, may get together na naman ang magkakaibigan. Iniisip ko pa lang na makikita ko doon si Josh ay lalo akong tinatamad bumangon. Naligo na ako, para pagkatapos ay saka ako mag-aalmusal. Pagkalabas ko ng CR, ay napansin kong nag-vibrate ang phone ko, kaya sinilip ko ang screen. From: Jett Hya, pwede humingi ng favor? Pakidalhan muna ng gamot at pagkain si Josh sa condo niya. Nilalagnat daw kasi siya. Napasimangot ako. Ano ‘to? Pinaglalaruan ba ako ng magkapatid na ‘to? Mukhang okay naman si Josh nung nagpunta dito kagabi, ah! To: Jett Bakit ako?? From: Jett Sino pa bang mag-aalaga dun? Eh,