CHAPTER 64 – LQ VERSION 2.0

2092 Words

Blaire, Trust is one of the most important things in a relationship. It won't work if you don't trust each other... Josh Bigla akong napahawak sa sentido ko. Biglang sumakit ang ulo ko. Hinilot-hilot ko ito. Nalipasan na kasi ako ng gutom. Tiningnan ko ang relo ko sa braso. Alas dos na pala... Naalala ko si Josh, saka iyong promise niya na sabay kaming magla-lunch. Hmp! Naniwala ka naman? Eh, isang sabi nga lang na susunduin niya si Chloe sa airport, humarurot na papunta dun. Tapos, aasahan mo na darating siya ng lunch time, at sabay kayo magla-lunch? Malamang, kanina pa nag-lunch 'yun kasabay ng babaeng may mais na buhok na 'yun. Tumayo ako. Ang balak ko ay magtimpla na lang ng kape sa pantry, para maibsan ang gutom ko. Mamaya na lang ako kakain. Isasabay ko na lang sa merienda.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD