Blaire, Love is not something you find. It is something that will find you... Josh Binuksan ko muna ang back compartment, at saka bumaba mula sa sasakyan ko. Kanina pa tapos ang klase namin ni Jett, pero ngayon lang ako nakauwi dahil dumaan pa ako sa isang malapit na bilihan ng mga halaman. Sinilip ko muna iyong mga halaman na nasa loob ng isang plastic bag. Gusto kong makasiguro na okay pa sila dito sa loob ng plastic bag. Napangiti akpo nang makita kong in-place pa rin iyong mga halaman sa lalagyanan nila. Mula nang malaman ko mula kay Mommy kung ano iyong mga gustong halaman ni Blaire doon sa favorite spot niya sa garden ni Mommy ay nag-umpisa na akong bumili at mangolekta ng iba't-ibang klase ng mga cactus. Para kapag umuwi na si Blaire dito in time para sa debut niya ay malalago