Josh, Pain changes people. It makes them trust less, overthinks more, and shut people out of their life... Hyacinth May mga bagay na ayaw man nating mangyari, pero kailangan nating tanggapin. May mga taong hindi natin kayang mabuhay na wala sila, pero minsan kailangan natin silang pakawalan, kahit pansamantala. Hindi ako nagalit kay Blaire nang tanggihan niya ako nung ayain ko siyang maging date sa Junior-Senior Ball. Parang ibinalik lang naman niya sa akin iyung sakit na naramdaman at ibinigay ko sa kaniya noong nakaraang Jun-Sen Ball. And I believe I deserve it... Hindi na rin ako um-attend sa Ball. Paniguradong hindi rin naman ako mage-enjoy doon, kasi hindi iyon ang pinangarap kong Ball. Iyong Ball na sana ay kaming dalawa ni Blaire ang magkasamang pupunta. Magsasayaw, habang na