Josh, I remember the feeling when I first fell in love with you... Hyacinth In A Relationship with Josh Madrigal Pakiramdam ko ay nanlambot ang katawan ko, at nanghina ang mga tuhod ko, kaya agad kong hinila ang upuang nasa tabi ni Ate Ysa at saka naupo doon. "Okay ka lang?" tanong ni Ate Ysa sa akin. Bahagya akong napatango. "O-Oo naman, Ate." Pinilit ko pang ngumiti kay Ate Ysa. Hindi ako dapat maapektuhan. Unang-una, wala naman kaming relasyon ni Josh. Ni hindi nga ito nanliligaw sa akin, di ba? Hindi ko pwedeng panghawakan iyong pagtawag niya sa akin ng baby, para sabihing may something special sa aming dalawa. Eh, kahit sino naman, pwedeng tumawag sa akin ng baby. "Ano kayang nagustuhan ni Josh sa impakta na ito?" tanong ni Ate Ysa, habang nakatingin sa screen ng phone niya