Josh, Should I smile because we're friends? Or should I cry because being friends is the only thing we can ever be? Hyacinth "Daddy, mag-hire ka na po ng personal driver para kay Hyacinth, para hindi ka naaabala sa pagsundo sa kanya lagi," nakangiting sabi ni Apple kay Daddy. Ilang araw din na Tita Apple ang tawag ko sa kanya pero ayaw niya, kasi feeling niya daw ang tanda- tanda na niya. Ayaw din niya ng Ate, kasi hindi naman daw kami magkapatid. Saka na lang daw siya magpapatawag ng Tita kapag tumuntong na siya ng sixty years old. Kailan lang din ako nasanay na Apple na lang ang itawag sa kanya. Pakiramdam ko naman kasi parang ang bastos ko since halos kaedaran lang naman niya sila Daddy at Mommy. "Okay lang, Apple. Paminsan-minsan lang naman. Saka, gusto ko talaga na hands-on ako