Blaire, Meeting you was like listening to a song for the first time and knowing it would be my favorite... Josh Finals week na. Mula nung iniwan ko last week sa school si Josh ay hindi na kami nagka-usap pa. Hindi ko alam kung paano niya hinatid iyung bag ko sa bahay namin. Hindi ko rin alam kung anong paliwanag ang sinabi niya kila Mommy at Daddy. I locked my door and forced myself to sleep on that day. "Mommy, Daddy... i-off ko po muna ang phone ko," paalam ko sa kanila. Nag-angat ng tingin si Daddy mula sa mga bills na binabasa niya. Katabi niya si Mommy sa sofa. Inalis nito ang reading glasses na suot niya, at saka ako tiningnan. "Why?" kunot-noong tanong ni Daddy. Lumunok muna ako bago nagsalita. Wish ko lang na mapaniwala ko sila nang bongga. "Finals na po kasi, Dad. I want