CHAPTER 17 - SWEET & SOUR PORK

1512 Words

Josh, Never ignore a person who loves you, cares for you, and misses you... Hyacinth Wala akong nagawa kung hindi isama na si Bry sa lakad namin. Inisip kong baka ma-out of place ako kila Athena at Jett, kaya mabuti na iyung kahit papaano ay may makakausap naman ako. Iyong balak namin ni Athena na pagko-commute ay hindi natuloy. Excited pa naman kami lalo na ako. Hindi ko pa naranasang sumakay ng public transport since nagka-isip ako. May dala palang kotse si Bry, at iyon ang sinakyan namin. Inusisa ito ni Jett, at legal naman siya para mag-drive. "Tabi na kayo sa likod ni Athena, Hyacinth," sabi ni Jett, sabay upo sa passenger seat. "Himala? Hindi kayo magtatabing maupo?" mahinang sabi ko kay Athena. "For sure, feeling safe lang 'yan sa kakambal niya," sagot naman ni Athena. "Ha?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD