Josh, If forever really exists, I'd like to spend it with you... Hyacinth Ang bilis lumipas ng school vacation. Pasukan na naman. First day uli ngayong araw. Parang kailan lang iyong first day ko noong nakaraang taon. Maaga akong nagising, kaya maaga ako nakapag-prepare. Nakaupo ako ngayon dito sa sala namin habang ka-text si Athena. As usual, hinihintay ko sila Josh at Jett na sunduin ako. From: Athena Pelayo If I know, excited ka lang makita si Josh kaya maaga kang nagising. Reply sa akin ni Athena sa text ko. Last week pa dumating sila Josh galing sa bakasyon nila mula sa California. Doon sila nag-spend ng summer vacation nila. Pero hindi pa kami nagkikita kasi kakauwi lang din namin kahapon galing sa bahay nila Lola Heidi at Lolo Ernesto, ang magulang ni Mommy. Doon naman kami