Baby, We don't just get to grow old together. We get to grow up together. And that’s the real adventure... Josh After three years... ["Baby, on the way na kami. Mag-ready ka na. Baka naman mamaya, nakahiga ka pa."] "Grabe ka sa’kin, Josh. Minsan lang akong tinanghali ng gising, akala mo naman lagi nang ganun..." reklamo ko sa kanya. ["Naninigurado lang... mahirap na, baka ma-late ako dahil sa’yo, eh masungit ‘yung prof ko sa first subject ko. Hindi ko pa naman kayang magalit sa 'yo."] Hindi ako nakasagot agad. Sa simpleng salita lang na ‘yun ni Josh ay kinikilig na ako. ["Baby?"] "Oo na. Eto na. Nagsusuklay kasi ako," palusot ko. ["Ah. Okay. Two minutes nandiyan na ko. Bye."] Nagmamadali akong nagsuklay ng buhok ko. At saka sinipat ang itsura ko sa vanity mirror ko. Powder at li