Blaire, 18 years ago, an angel came into my life and brought lots of miracles with her. Thank you, my baby. Happiest Birthday ever, Hyacinth Blaire… Josh "Kumusta ka na, super model?" nakangiting bati ni Jett sa akin, nang nag-umpisa na kaming sumayaw. Nakangiti pa ring inirapan ko ito. "Super model ka diyan..." "Hindi ba?" tanong ni Jett, sabay tawa nang bahagya. Halata namang nanghuhula lang siya sa sinabi niya. "Hindi mo man lang ako na-miss," sumbat ko sa kanya. "Anong hindi? Ikaw nga itong kapag nag-chat ako ng umaga, gabi ka na sasagot. Pag sagot ko sa chat mo ng gabi, sa umaga mo na sasagutin." Natawa na lang ako, kasi totoo naman. "Malaki kaya ang time difference natin." "Ang sabihin mo, ang hirap mo na talagang ma-reach." "Hindi kaya..." sabay irap ko uli sa kanya.