CHAPTER 4 - TRY-OUT

1684 Words
Josh, I just want to thank you for being my reason to look forward to the next day... Hyacinth "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Athena, habang hila-hila ang kamay ko. Halos liparin na namin ang pathwalk patungo sa kabilang building ng school. "Sa gym nga!" sagot nito. "Ano ba kasing meron? "tanong ko uli, habang nagmamadali ako para makasabay sa mabilis na paglalakad niya. "Try-out ng basketball," maigsing sagot nito. "And so?" takang tanong ko. Huminto sa paglalakad si Athena, at humarap sa akin. "Magta-try-out ‘yung kambal! Hindi mo ba alam?" Napailing ako. Wala akong matandaan na may nabanggit sa akin si Josh na magta-try-out sila sa basketball, o may balak silang mag-try-out. "Tara na! Baka hindi natin abutan," untag sa akin ni Athena, at saka ako hinila na uli. Pagdating namin Athena sa gymnasium ay nagkakaingay na. Pilit kaming sumiksik sa mga estudyanteng nakatayo sa hallway ng gym, habang naririnig namin ang sigaw ng mga babaeng naroroon sa isang side. "Go, number sixteen!" "Shoot that ball, number sixteen!" Nang makarating kami sa unahan ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Si Josh ang nasa free throw line ng kanang courtside ng gym. Hawak nito ang bola, at nakapormang magsu-shoot. Siya pala yung isinisigaw nilang number sixteen, base sa jersey na suot niya. Kailan pa niya naging favorite number ang Sixteen? Ang alam ko, thirteen ang birthday nila ni Jett. Umugong ang sigawan sa gym nang mai-shoot ni Josh ang unang bola. Binigyan uli siya ng isa pang bola, at ganun uli ang ginawa niya. Matagumpay na nai-shoot niya uli ang pangalawang bola. Sigawan uli ang mga nanonood. "Crush na kita, number sixteen!" Wala sa sariling tumaas ang isang kilay ko nang marinig ko ang sigaw na ‘yun. Pinigilan kong mapatingin sa gawi ng sigaw. Paghanga lang ‘yun, Hyacinth Blaire. Huwag mong ibaba ang level mo... Sabagay, maski ako ay napahanga din sa nakita ko kay Josh. Lalo na nang sa ikatlong pagkakataon ay nai-shoot na naman nito ang pangatlong free throw niya. Hindi ko akalaing magaling sa basketball si Josh. Bigla kong naalala na kapag summer nga pala ay nag-eenroll sa Summer Olympics ang kambal. Ngayon naman ay sa three-point line nakatayo si Josh. Tumahimik ang lahat nang pumorma na ng pagsu-shoot si Josh. "Shoot!!!" Sigawan uli ang mga estudyante. Hindi na tumigil ang sigawan nang lumipat sa gitna at kanang three-point line si Josh. Lalo pa ngang nagkagulo nang magkakasunod na nai-shoot ni Josh ang bola. Hindi sinasadyang napatingin ito sa gawi namin. "Ayiieee! Tiningnan niya ako!" sigaw ng babaeng nasa likod namin ni Athena. Nakaramdam man ako ng pagka-inis dun sa babae, hindi ko napigilan ang mapangiti. Proud na proud ako kay Josh. Naramdaman kong may bahagyang bumangga sa balikat ko. "Hanep pala sa basketball iyang si Josh, ‘noh? Si Jett kaya?" tanong sa akin ni Athena. "Actually, wala akong idea. Hindi ko pa sila nakitang naglaro ng basketball. Ngayon lang," sagot ko sa kanya. Muli akong lumingon sa puwesto ni Josh kanina. Nawala ang sayang nararamdaman ko nang makita ko si Taylor na kausap si Josh. At hindi lang basta kausap. Hawak pa ni Taylor ang kamay ni Josh! Ngiting-ngiti si Taylor, samantalang si Josh ay iyung common na seryoso niyang ekspresyon. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang bumbunan ko. Yayayain ko na sanang umalis si Athena, pero naunahan ako nito. "Ayan na! Turn na ni Jett!" excited na sabi ni Athena. Nakahiyaan ko na tuloy ayain ito, dahil mukhang excited na siyang mapanood si Jett. Minabuti kong mag-stay na lang din. Nang tingnan ko uli si Josh ay nakaupo na ito sa bench ng players, katabi ng iba pang nagsipag-try-out din. Namataan ko naman si Taylor na nakaupo sa unahang bleacher, hindi kalayuan sa puwesto ni Josh. Masama ang loob na pilit kong ibinaling ang atensiyon ko kay Jett na nasa free throw line. Magaling din ito katulad ni Josh, dahil nai-shoot din niya ang tatlong bola. Nagkaka-ingay na uli ang mga nanonood. Pati si Athena ay walang tigil sa pag-cheer kay Jett. Pero wala na ako sa mood. Ni pumalakpak ay hindi ko na magawa para kay Jett. Sana hindi na lang ako sumama dito kay Athena. Nagawa rin namang mai-shoot ni Jett ang mga three-point shots niya, pero nagmintis siya sa huli. Tumayo si Josh, at saka sinalubong si Jett. Tinapik niya ito sa balikat bilang pangongonsola siguro sa na-missed nitong shot. Napatingin ako sa relo ko. "Athena, kailangan na nating umalis," sabi ko dito. Math pa naman ang susunod naming subject, at may pagka-terror ang teacher namin doon. "Hayyy... sayang naman. Hindi natin mapapanood iyung actual play nila..." Muli kaming nakipag-siksikan sa mga nakatayong estudyante para makalabas sa gym. Nasa labas na kami ay naririnig pa namin ang sigawan sa loob. Nakakapanghinayang pero at the same time, ayoko nang makita pa na kausap ni Josh si Taylor. Last subject na namin ang Math. Kaya hindi ko inaasahang makikita ko si Josh paglabas ko ng classroom namin. Ang alam ko nga ay nasa try-out pa ito. Agad lumapit si Josh sa akin nang makita niya ako. Napansin kong nakapagpalit na sila ni Jett ng damit. "Nagulat ako kanina nang makita kita sa gym," sabi ni Josh sa akin. "Ah... isinama lang ako ni Athena. Wala naman kayong nasabi na magta-try-out kayo." Pilit kong pinapakalma ang boses ko. Naiinis pa rin kasi ako sa kanya. Sa kanila ni Taylor. At ayokong mahalata ni Josh na naiinis ako. "Isu-surprise sana kita," sagot nito. Palihim akong umirap. Surprise mong mukha mo! "Ah. Ganun ba," walang gana kong sagot. "Tara na, gutom na ko. Nagpa-ready na ako ng meryenda natin kay Mommy." "Lagi mo na lang iniistorbo si Ninang. May kumpanyang inaasikaso 'yun." "Ganung oras naman talaga siya umaalis sa office. Kasi gusto niya, siya ang nagpi-prepare ng dinner namin," paliwanag pa ni Josh. "Uhm... hindi na lang. Uuwi na ako. Marami pa kasi akong gagawin," pagsisinungaling ko. "Ano’ng gagawin mo?" inosenteng tanong ni Athena sa akin. Pasimple ko itong pinandilatan ng mata. "Marami tayong assignment, di ba?" Gosh! Sana makuha ni Athena ang message ko. "Ang sabi ni Athena wala kayong masyadong assignment, kaya in-invite ko siya sa bahay ngayon," sabi ni Jett, na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa amin. "Baby??" narinig kong sabi ni Josh. Buking! Napatingin ako kay Josh, pero agad din akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko pala kayang tagalan ang tingin niya, lalo na at guilty ako sa pagsisinungaling sa kanya. Then I saw confusion in his eyes. "Hyacinth, ano... hindi na lang ako sasama, kung hindi ka sasama..." narinig kong sabi ni Athena. "Hyacinth, please... ngayon lang natin makakasama si Athena, eh," pakiusap naman ni Jett. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Athena at Jett. Ano ba'ng meron sa dalawang ito? Kung ano man 'yun, lalabas naman akong KJ sa kanilang dalawa. Huminga ako nang malalim. "Sige na nga. Tara na," may pagsuko kong anunsiyo. Nagpatiuna na akong naglakad. Hindi ko kasi talaga kayang tagalan iyung tingin sa akin ni Josh. Pakiramdam ko ngayon ay para akong magnanakaw na nasukol habang nasa akto ng ginagawang krimen. Nasa likuran ko si Josh, at nakakapagtakang hindi niya ako sinabayang maglakad. Kinuha lang niya iyung bag ko mula sa likuran ko habang naglalakad pa rin kami, na hindi ko naman kinontra pa. Kasunod naman ni Josh sa likod niya sila Jett at Athena na panay ang kuwentuhan tungkol sa nangyaring try-out kanina. Pagdating sa nakaparadang sasakyan nila Josh ay agad akong sumakay sa unahan sa tabi ng driver nila. "Hello, Kuya Lando!" Sinadya kong pasiglahin ang boses ko, at umakto nang normal. Parang nagulat pa nga si Kuya Lando nang makita akong naupo sa tabi niya. "Hyacinth, puwesto ko ‘yan, ah," sabi ni Jett. "Dito na muna ako. Ituloy n’yo na muna ni Athena iyung kuwentuhan n’yo dyan sa likod," pag-aalibi ko. Tila nag-aalangan naman si Jett. "Eh... di ba si Josh ang katabi mo?" Kakamot-kamot pa ito sa batok niya. "Sige na, Jett. Sakay na," narinig ko ang malamig na boses ni Josh. Napilitang sumakay na sa likod si Athena at Jett, kasunod si Josh. Buong biyahe namin ay boses lang ni Athena at Jett ang maririnig hanggang sa dumating na kami sa bahay ng mga Madrigal. As usual, sinalubong kami ni Ninang Clover. Pinilit kong magpaka-kaswal sa harap ng lahat. Humalik sa kanya ang kambal. Sumunod ako. Sanay na ako na bumebeso kay Ninang Clover, imbes na nagmamano. Iyon din kasi ang gusto niya. "Tamang-tama lang ang dating n’yo. Kakaluto ko lang nung pinahandang Spaghetti Marinara ni Josh. Siyempre, favorite ni Hyacinth iyun, eh..." "Nakakahiya na nga, Ninang. Lagi na lang akong dito kumakain..." sagot ko sa kanya. "Ay! Huwag kang mag-alala, iha. Bukas si Mommy mo naman ang magpapameryenda. Kailangan ako sa office bukas, kaya hindi ko kayo maasikaso," sagot sa akin ni Ninang, sabay tawa nito. "Ay ganun ba, Ninang?" natatawa kong sagot. Sana naman hindi na pumunta si Josh bukas sa amin. Mahirap kasing magtago ng totoo kong nararamdaman kay Mommy. Baka mahalata lang niya na may sama ako ng loob kay Josh. "Oh? May bago kayong recruit?" biglang sabi ni Ninang na kay Athena nakatingin. "Si Athena po, Mommy. Classmate ni Hyacinth," maagap na sagot ni Jett, bago pa ako nakasagot. Tumango-tango si Ninang. "Aaahhh... classmate ni Hyacinth..." tila nanunuksong sabi nito, habang nakangiti kay Jett. Napakamot naman sa batok niya si Jett. "Tara na sa loob, kumain na kayo. Ano’ng nangyari sa try-out?" tanong ni Ninang Clover, habang kasabay niyang naglalakad si Jett at Athena. Hindi ko napigilang mapasinghap nang magsalita si Josh na biglang tumabi sa akin. "We need to talk later, Hyacinth Blaire," madiing sabi nito, at saka nagpatiuna nang naglakad sa akin. He's like that when he is mad at me. He calls me with my full name. So, siya pa talaga ang may ganang magalit!? Kausapin mong mukha mo! Sa inis ko talaga kay Josh ay naisipan ko siyang dilaan habang nakatalikod siya. Tutal hindi naman niya makikita. Pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang bigla itong lumingon sa akin, kaya huling-huli niya ako. Shocks!!! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD