CHAPTER 5 - L. Q.

1518 Words
Shocks!!! “What the-- Blaire? Ano'ng ginagawa-- " inis na sabi ni Josh. "Hep! Hep! Hep! Bakit mo inaaway si Hyacinth?" Napalingon ako sa nagsalita. "Ate Cass!" Yes! Saved by the bell! Si Ate Cassandra, ang panganay na anak nila Ninang Clover at Ninong Judd. Idol na idol ko itong si Ate Cass. Bukod sa super ganda niya talaga, matalino rin ito. Beauty and brains, ika nga. "Hi, baby girl..." Nakangiti si Ate Cassandra habang naglalakad papalapit sa amin ni Josh. "Inaaway ka ba nitong kapatid kong masungit?" nakangiti pa ring tanong niya, sabay akbay sa akin. "Ako ang inaaway dito, Ate," pagkontra ni Josh. Tiningnan ko si Josh, at saka pinaningkitan ng mga mata. Hah! Matapang ako ngayon kasi may kakampi ako! Gusto ko sanang ipagyabang iyon kay Josh, kaya lang alam kong lalo lang itong maiinis. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Ate Cassandra sa aming dalawa. "Cassandra! Andiyan ka na pala." Lumabas mula sa loob ng bahay si Ninang Clover. Naglakad ito palapit sa aming tatlo. Sumabay ka na sa kanilang magmeryenda. Kayong dalawa. Bakit ang tagal ninyo, ha?" Wala sa loob na napatingin ako kay Josh. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko kay Ninang. Sasagutin ko ba siya? O bahala na si Josh ang sumagot? Pero naunahan kaming sumagot ni Ate Cassandra. "Eto kasing dalawa, Mommy... may LQ," sabay nguso sa aming dalawa ni Josh. "Ate naman..." reklamo ni Josh. Kung si Josh ay nagreklamo, ako naman nakaramdam ako ng hiya sa sinabi ni Ate Cassandra. "Naku! Gutom lang ‘yang dalawang 'yan. Hala! Pasok na kayo sa loob, bago kayo maubusan nung dalawa doon," sabi sa amin ni Ninang. "Dalawa?" nagtatakang tanong ni Ate Cass. "May kasama po kami, Ate Cass. Si Athena, classmate ko," paliwanag ko. "I see... Sige nga. Mabistahan nga itong Athena na 'to. Tara na sa loob," yaya sa amin ni Ate Cassandra, na may pilyang ngiti sa mga labi. Pagkapasok namin sa dining area ay agad na binati ni Ate Cassandra si Athena. "So, you're Athena.... bagong member ng merienda gang?" Seryoso ang mukha ni Ate Cassandra, at bahagya pang nakataas ang isang kilay nito. Tila naman hindi malaman ni Athena kung paano sasagot kay Ate Cass. Kasalukuyan kasing may lamang pagkain ang bibig niya. Kita ko ang pagkalito niya kung lulunukin ba muna niya iyong pagkaing nasa bibig niya, o magsasalita nang may laman ang bibig. Sa huli ay si Jett na lang ang sumagot. "Athena, ate ko. Si Ate Cassandra. Ate, si Athena--" "Classmate ni Hyacinth," pagtutuloy ni Ate Cassandra sa sasabihin pa ni Jett. "Pakisagot ng tanong ko. Sino ang nagsama sa iyo dito - si Hyacinth? O... si Jett?" Seryoso pa rin ang itsura ni Ate Cassandra. Kahit ako ay nalilito kung seryoso ba talaga ito. Malayong-malayo sa Cassandra na kilala ko. Kakaiba ang paraan ng pagtatanong ni Ate Cassandra ngayon. Ang alam ko ay friendly naman siya, pero bakit parang nagsusungit siya ngayon kay Athena? "S-Si Jett po..." nauutal na sagot ni Athena. Biglang malapad na ngumiti si Ate Cass. "Wow! Marunong nang mag-invite ng babae ang isang kapatid ko!" "Ate!?" reklamo ni Jett. "O sige. Kain ka lang nang kain, Athena. Huwag kang mahiya... mula ngayon, official ka nang member ng Merienda Gang!" magiliw na sabi ni Ate Cassandra kay Athena. Natawa na lang si Ninang Clover na nasa tabi ko. "Ate Cass, tinakot mo naman si Athena..." nakangiti kong sabi dito. "Kumain ka na rin, baby girl. Tapos, ihahatid na kita sa inyo. Ibibigay ko kina Ninang iyung invitation para sa debut ko," sabi nito sa akin. "Oo nga, Ate Cass. Malapit na ‘yun!" excited kong sabi. "Excited ka na, baby girl? Mas excited ang Ate mong ito! It will be a very memorable night for me." Alam kong excited na rin si Ate Cassandra sa debut niya, pero parang bakit iba ang kislap ng mga mata niya? May boyfriend na ba siya, at ipapakilala na niya kay Ninong Judd? Mahigpit at istrikto kasi sa kanya si Ninong. "Kami na lang ang mag-aabot kay Ninang Hannah ng invitation," sabat naman ni Josh, na nag-umpisa na ring kumain. "Para ano? Para masolo mo si baby girl, at para maituloy mo iyung pang-aaway mo kanina?" taas-kilay na tanong ni Ate Cassandra kay Josh. "Hus! Bakit naman aawayin ni Josh si Hyacinth? Aawayin niya tayong lahat, pero hindi ang baby niya..." nanunuksong sabi ni Ninang Clover. "Pinakadiinan mo pa ‘yung baby, ‘noh, Mommy?" naaasar namang sagot ni Josh. "Bakit? ‘Yun naman talaga ang tawag mo kay Hyacinth, di ba?" painosenteng tanong ni Ninang dito. Parang bigla akong nawalan ng ganang kumain sa tinatakbo ng usapan nila. Kung mag-usap sila ay parang hindi ako yung pinag-uusapan nila, at wala ako ngayon dito sa harapan nila. Hindi na sumagot si Josh. Marahil ay nahiya o napahiya. Bigla tuloy akong naawa sa kanya at nawala yung inis na nararamdaman ko para sa kanya kanina. Wala nang umimik sa amin ni Josh, at tanging sila Ninang, Ate Cass, Jett at Athena na lang ang nag-uusap-usap. NANG matapos kaming kumain ay niyaya ko si Athena sa garden ni Ninang. Gustung-gusto ko na dito tumatambay. Nakaka-relax… "Oo nga, Hyacinth... tama ka. Ang ganda nga rito...." tila napapantastikuhang komento ni Athena, habang inililigid ang tingin niya sa mga halaman at bulaklak ni Ninang. "When I feel writing, dito lang ako pumupunta..." sabi ko kay Athena. "Writing?" tanong nito. "Poems. I like writing poems..." nakangiti kong sabi. "Really??!" nanlalaki ang mga matang tanong ni Athena sa akin. "Asan ang pa-sample?" tanong nito. "Saka na lang. Tara dun! Andun ang mga rare cactus," sabay turo ko sa kabilang bahagi ng garden. "Grabe dito, Hyacinth! Parang ayaw mo nang umalis kapag pala nandito ka!" excited na sabi ni Athena, at saka naupo sa sementadong hagdan. "Kaya nga gustong-gusto ko dito, Athena. Sana balang araw magkaroon din ako ng ganito kagandang garden!" "By the way, nag-try out din pala sila Edward at Peyton kanina..." sabi ni Athena. "Talaga? Sayang, ‘noh? Hindi natin napanood..." "Oo nga... Pero okay lang. Sabi naman ni Jett, nakapasa rin daw ‘yung dalawa." "Talaga? Makibalita ka kay Jett kung kailan ang training nila. Nood tayo!" excited kong sabi. "At sino naman ang gusto mong mapanood sa training, aber?" nakapameywang pang tanong ni Athena. "Si Peyton. Gusto kong makita kung paano siya maglaro." "Uuuyyy! May crush ka kay Peyton?" Sasagot sana ako pero may narinig akong tumatawag sa amin. "Hyacinth! Athena!" "Hanap na tayo ni Jett..." sabi ni Athena. "Tara na. Baka uuwi na tayo." Nasalubong namin si Jett nang palabas na kami sa garden. "Tara na. Ihahatid na namin kayo." Nag-umpisa na kaming humakbang nang magtanong si Jett. "Hindi ba nagawi dito si Josh?" "Hindi." “Hindi, eh.” Sabay pa naming sagot ni Athena. "Saan kaya nagpunta ‘yun? Eh, kanina pa namin kayo pinasundo sa kanya ni Ate Cass," sabi nito, na hindi ko alam kung para sa amin ni Athena iyong tanong niya, o para sa sarili niya. Pagpasok sa loob ng bahay, nagpaalam na muna kami kay Ninang Clover. "Hyacinth, kay Cassandra at Josh ka na sumabay. Ibibigay daw ni Cassandra iyung invitation sa Mommy mo. Alam mo naman iyang dalawang ‘yan... for sure magchi-chikahan pa ang mga ‘yan! Si Athena, papahatid ko na lang kay Jett at Lando." "No worries, Ninang. Eh, bakit po sasama pa si Josh, eh kasama ko naman na si Ate Cassandra?" "Hus! Para namang di mo kabisado iyong anak ko. Feeling niya lagi responsibilidad ka niya. Kaya ka nga niya baby, di ba?" nakangiti nitong tukso sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya nang magtawanan ‘yung ibang naroroon. Actually, sanay na rin ako sa mga ganiting panunukso ni Ninang. Pero ibang usapan kapag nasa paligid lang si Josh. Kahit noong mga nasa grade school pa lang kami nila Josh at Jett ay tahasang sinasabi lagi ni Ninang na boto siya sa akin na maging manugang niya. Imagine that? "Ninang talaga..." "Oh, sige na. Magsialis na kayo. Jett, huwag nang magpagabi ha. Gagawa pa ng homework ha... asan pala si Josh?" "Kanina pa nga nawawala ‘yun, My." Napaisip naman ako. Saan naman pupunta si Josh? "Oh, eto na pala. Josh, saan ka ba galing? Umalis na kayo nang makabalik kayo agad. Hahanapin na naman kayo sa akin ng Daddy ninyo pagdating nun," tanong ni Ninang kay Josh. "Yes, Mommy!" sabay-sabay na sagot ng magkakapatid. "Oy, Josh! Iyung para kay Ace, baka makalimutan mong bitbitin," pahabol pa ni Ninang. Itinaas lang ni Josh ang kamay niya na may bitbit dun sa tupperware. Tumalikod na ito at saka tuloy-tuloy na naglakad palabas ng sala nila. Papunta na sana ako sa pinaglapagan ko ng bag ko, nang naunahan ako ni Josh na kunin iyon. "Josh, ako nang magdadala ng bag ko," sabi ko sa kanya. "Kailan ba kita pinagdala ng bag mo?" masungit na tanong-sagot nito sa akin. Hindi na lang ako sumagot sa kanya para hindi na kami magtalo na naman, at saka derecho na ring naglakad palabas ng bahay ng mga Madrigal. At siya pa talaga ang may ganang magsungit, ha? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD