[Josh] Ikinonekta ko ang phone ko sa speaker ng sasakyan ko, at saka ko pina-abante ang sasakyan. Humalo na ako sa mga sasakyan sa kalsada, at saka ako nagsalita. "Hey, google! Call Baby Blaire." Agad na kusang nag-dial ang phone ko. Calling Baby Blaire... ["Hubby? Nasaan ka na?"] "Going home, baby... going home..." ["Akala ko hindi ka na makakauwi tonight, eh..."] Bahagya akong natawa. "Miss me, baby?" ["Siyempre naman! Three days ka kaya sa Bohol. Tapos ikaw lang mag-isa dun. Malay ko ba kung nangchi-chicks ka lang dun!"] Natawa uli ako sa sinabi ni Blaire. "Baby, isinasama kita doon sa launching, remember? Ikaw itong may ayaw." ["Tsk! Eh, kasi nga... alanganin. Birthday ng anak mo bukas, di ba? Ang daming dapat asikasuhin dito. Kung sumama ako sa iyo baka magahol ako para