******
Nakarating na kami ni Len sa unang lugar na nasa list ni mama.
"Bakit nga pala nandito tayo? Ang layu nito sa school ahh" tanong nya.
Tiningnan ko naman sya at di nalang pinansin.
Sumunod naman sya at nalugi ang muka kasi siguro di ko sya sinagot.
Habang naglalakad kami biglang pumasok sa isip ko ang isang bagay
'Pano ko malalaman ang code?? e wala namang sinabi si mama -_-'.
Ay ang bobo >_.
Len di ko rin alam.
"Maybe a place to stay will be better" sagot ko nalang.
"Tama ka, at pagkain narin" sabay hawak nya sa kanyang tyan.
Tama sya, ginugutom narin ako, kanina pa kumakalam ang tyan ko ~_~.
"Hali kana" ako at naglakad na.
Pumunta kami sa hotel ng lugar na'to, malay nyo nandito lang sa paligid ang code.
Teka pano ko kaya malalaman kung yun nga ang code?
Dun sa sinabi ni mama puntahan ko lang daw yung mga nkalista dun na lugar and find the code, pero pano ko naman daw mahahanap kung wala man lang syang iniwan na clue kung ano man yung code o sang part ng napakalaking lugar na'to makikita ang code -_-.
Haiiiist~ mama naman.. sana sinabi mo para di mahirapan ang anak nyo -_-.
"Curse!", Napalingon naman ako kang Len "andito na tayo" sagot nya.
Tumingin naman ako sa hotel, Ron Miller Hotel, yan ang pangalan ng hotel, Ron Miller? Yan ang may-ari? The name sounds foreign.
Nagkibit balikat lang ako at pumasok na run, pagpasok namin may nag-assist agad sa'min at tinulungan kami sa mga bagahe namin.
Nasa one room lang naman kami pero may two beds.
"Wow ang laki!" Masayang sagot ni Len at humiga sya sa kama nya.
******
Pagkatapos naming mag-arrange ng gamit pinili ko munang lumabas ng room namin habang si Len kumakain.
Tapos na kasi akong kumain e kaya mamamasyal nalang ako ^_^.
Bumaba na ako at lumabas narin, kailangan kong malaman kung ano yung code, the first ever code.
Luminga-linga ako sa paligid at nagbabakasakali na gumana uli utak ko at makita o malaman yung code.
Nakuha naman ang atensyon ko sa mga batang naglalaro.
Lumapit ako at masaya silang naglalaro ng ano ba yan -_-.
Tumalikod nalang ako at maglalakad na sana nang may kumalabit sa'kin.
"Ate..." sagot nya.
Napalingon ako sa kanya at binigyan sya ng 'what' look.
"May kamuka po kayo" sagot nya.
"Huh? T-teka" nagukat ako kasi bigla nya akong hinila "san mo'ko dadalhin?" Tanong ko.
"Basta po" sya at nagpatuloy lang.
Sa paglalakad namin tumigil yung bata sa tapat ng isang bahay.
"Bahay nyo?" Tanong ko.
Tumango naman sya at hinila ako papasok run.
"Ate!!!!" Sigaw bya bigla kaya nagulat ako.
Anong problema ng batang 'to? Ba't bigla nalang 'to nanghihila -_-.
Lumapit nmn yung ate nya "oh?? ba't ka sumisigaw jan Shu--", natigilan sya nang makita nya ako "sino sya?", tanong nya sa bata.
"Ate diba may kamuka sya?" Sagot nung bata.
Tumingin naman yung babae sa'kin "huh?? M-muka nga", tas pinanliitan nya ako ng mata na parang inaalala nya kung sino ang kamuka ko "huwaaah!!", Sigaw nya bigla "tama ka nga!" Sang-ayon nya.
Huh? Bakit sino ba kamuka ko?
"Hhm, sino ba kamuka ko?" Tanong ko sa kanila.
"Hihi sorry, ako nga pala si Andrea at ito ang kapatid kong si Shun", pakilala nya "may kamuka ka kasi", sagot nya.
"Sino naman??"--ako.
"10 years ago bata pa ako pati narin si Shun ay may mag-asawang naglalakad at yung babae dun ay kamuka". maikli nyang story sa'kin.
Mag-asawa?? Di kaya sina mama't papa yun?
"Pagkatapos nun may iniwan sila sa'min bigla, ang sabi nung babae 'kung nay nakita kayong babae na kamuka ko, ibigay nyo 'to sa kanya hah? mas matanda kapa sa batang yun' yun ang sabi nya, nagtaka nga kami kung ba't sa'min binigay nang sinabi nila na 'keep thus safe.. sa inyo namin ito ihahabilin dahil kayo lang ang alam naming maaasahan at alam kong mapapansin nyo agad yung batang babaing yun, wait 10 years at makikita nyo yung bata' yun ang sabi nila", dugtong nya sa kwento.
"Ano yung binilin sa inyo?" Tanong ko.
Pumunta naman yung babae sa kwarto nya at maya maya ay lumabas at may dala syang box.
"Di namin 'to binuksan kasi hinintay ka namin, ayan" sabay bigay nya sa bagay.
Tinanggap ko naman at napangiti.
Di ko inexpect na sa nga batang 'to lang nila ibibilin ang bagay na kailangan kong mahanap.
"Maraming salamat" ako sabay ngiti.
Ngumiti rin sila sa'kin.
Ngayon, ano kaya ang laman nito??
******
to be continued...