******
"Ano yan?" Tanong ni Len nang dumating ako.
"Ito? Ito ang ipinunta ko dito" sabay upo sa sofa.
Lumapit naman sya at umupo sa tabi ko.
"Ano ba yan?" Tanong nya.
"Ewan? Basta igagather ko muna ang lahat bago ko alamin kung ano ito" sagot ko sabay tayu at pinasok ito sa bag ko.
Napalingon naman kami sa kumatok.
"Uhm, iniimbitahan po kayo sa isang play ng Hotel" narinig naming sagot nung kumatok.
"Ahh, sige po, susunod lang kami!" Sagot ni Len.
"Ok sir".
At narinig naming umalis na ito.
Tumingin naman si Len sa'kin "hali kana sa baba".
"Geh" ako sabay tayo.
Lumabas na kami para makita yung play na sinasabi nila.
Nang makababa na kami may nakita akong dalawang lalake na kahina-hinala.
Di ko nalang pinansin kahit mukang may binabalak sila.
Pumili na kami ng mauupuan ni Len at nasa harapan kami.
Habang naghahanda pa muna sila ay merong napadaan na pinagtilian ng mga tao.
Napatingin kaming dalawa ni Len sa apat na pinagtilian ng mga tao.
Dalawang babae at dalawang lalake.
"Kilala mo sila Len?" Tanong ko.
"Nope" sabay iling nya.
"Eh? Di nyo sila kilala?" Biglang sagot ng babae na nasa tabi ko.
"Oo" halata naman diba? Kase nagtatanong ako -_-.
"Sila ang sikat na actors and actresses, ang babaing may scarlet hair at may nunal sa may mata ay si Lilibeth Gallia, may pagka-arte sya pero magaling sa aktingan, ang isa namang babae na may yellowish na hair ay si Ashley Cortez, isang half spain and half american.. mahinhin sya sa kanilang apat, the other guy na may red highlights ang buhok ay si Rindon Dela Rosa, ang bad boy naman sa kanila, and the last guy na plain black lang ang hair ay si Keith Winston ang simple pero sya ang pinakamagaling at main sa play, at ang apat na yan ang gaganap sa play natin ngayon" explain nya sabay ngiti.
"Mmm, kaya pala sila pinagtitilian kasi sikat" sagot ni Len.
Tumango naman yung babae "oh, ako nga pala si Merrian Agdalos nice to meet you" sabay lahad sa kamay nya.
"Curse Haibara" tas nakipagkamay ako.
"Len" simpleng sagot ni Len at nakipagkamay rin.
"Full?"--Merrian.
"Just call me Len, wag mo nang alamin ang last name ko" pag deny nya.
Tiningnan ko naman sya "anong pakulo mo?", bulong ko.
"Wala, ba't kailangan pa full?" Ang baliw talaga -_-.
******
Ilang minuto ang lumipas at nagsimula na ang play.
Maraming nagpalakpakan sa pagsimula nito nang biglang nagblack out kaya maraming nagulat.
"A-anong--".
Bigla uling bumalik yung lights pero nang paglingon namin sa stage isang babaing may yellowish hair ang nakatayu sa middle.
Tintigan lang namin ito nang may nabantayan akong mali.
"Ba't di sya gumagalaw?" Takang sagot ni Merrian.
Napalingon ako kang Merrian at bumalik uli kang Ashley, yes si Ashley ang nasa stage.
Dun na ako lalong nagtaka nang may makita akong lumiwanag sa leeg nya kaya agad akong tumayo at tinakbo yung babae sa stage.
"Tek--Curse!!" Tawag ni Len.
Pero di ko sya pinakinggan, maraming nagulat sa ginawa ko.
Nang malapitan ko ito dun ko ito nalaman.
Tama ngang hinala ko, patay na ang babaing 'to.
******
to be continued...