******
Agad akong nag-impake ng mga gamit para maghanda sa pag depart ko ngayon.
Iniligay ko muna ang mga gamit ko sa sala at kumain na muna.
Si lolo ba? alam nya na.. sinabi ko sa kanya na pupuntahan ko yung unang lugar na nadecode ko.
Habang kumakain ako kasama si wala dahil umalis si lolo bigla nalang may...
*knock knock*
Napatayu naman ako at binuksan ang pintuan.
Pero nagulat ako sa taong nakatayu sa labas...
"Sup!" Bati nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Taas kilay kong tanong.
"I've heard that you're going somewhere?" Tas dumungaw sya sa loob at napangiti "so you are? Kung san man yun? Sasama ako" sabay pakita nya sa kanyang bag na may maraming laman.
"San mo yan narinig!?" Inis kong tanong.
Pano nya naman daw nalaman na aalis ako?
"Sa lolo mo, sabi nya samahan daw kita" tas pumasok agad sya sabay sabing "papasok ako hah?" Tas umupo sya sa sofa.
isinara ko naman ang pintuan at tumungo sa kusina para ipagpatuloy ang pagkain ko.
******
Pagtapos kong kumain agad akong tumungo sa sala kung nasan ang baliw -_-.
"At bakit ka sasama?" Tanong ko at kinuha na ang bag ko.
"Dahil gusto ko, ayaw kong wala ka sa school noh -3- napakaboring kaya kung wala ka" sagot nya naman sabay tayo.
"Psh! Bawal kang sumama dahil--"...
"Yup I know private, sinabi ng lolo mo ang lahat" nagulata naman ako.
Ang matandang 'yun talaga.
"Kahit na gusto kong--"...
"Wag ka ng magreklamo pa jan, sasama ako sa gusto mo't sa gusto" singit nya nanaman.
Haiiiist~ ano pa ba ang magagawa ko? Alam ko naman kung gano katigas ang ulo ng ulol na'to.
"Tch!!" Ako tas lumabas na sa bahay dala ang mga gamit ko.
Sumunod naman sya sa'kin, at nagsimula na kaming maglakad patungong train station, para puntahan ang unang lugar na nasa list.
Nang mkasakay na kame, konti lang ang mga tao sa loob kaya nakaupo kami.
Habang tahimik kaming nkaupo nag open nman si Len ng usapan...
"Matanong ko lang, anong gagawin mo dun?" Tanong nya.
"Hmm? Oh, family problem" simple ko lng sagot.
"Share mo naman" naka smile nyang sagot.
Tumingin naman ako sa kanya ng siryoso, and..
"Nope! Not yet" then I looked away.
Naramdaman ko namang sumimangot sya at tumingin nlng sa kawalan.
Habang nagmamasid ako sa paligid may babaing lumapit sa'min.
"Uhm, ma'am gusto nyo po bang bumili ng--"...
"No" inunahan ko na sya kaya ngumiti nalang ito at nandistorbo pa ng iba.
Kaya bumalik nanaman ang katahimikan sa lugar.
Maya-maya naman tumigil ang tren, at may dalawang babaeng teenager ang pumasok, at umupo sa unahan namin.
Nagmasid uli naman ako sa paligid, nang biglang tumayu ang isang lalake na naka sunglass patungong rest room.
Ilang minutong nakalipas ganun parin tahimik at nagtatawanan yung dalawang teenagers nang...
"Kyaaaaaaahh!!!!!!!!" Nagulat kami sa biglang sumigaw na babae.
"Galing yun sa rest room ahh", Sagot ko at agad tumakbo patungo sa rest room.
"Teka Curse!!" Tawag ni Len tas hinabol ako.
Nang makarating ako sa rest room, nakita ko ang babae na sumigaw, at nakaturo sa loob ng rest room ng lalake.
Lumapit naman ako at agad tiningnan ang nasa loob,
Y-yung lalake kanina na naka glasses...
******
to be continued...