******
"Tawagan nyo ang mga pulis!" Utos ko sa kanila
Nagpapanic naman silang tumawag sa pulis at yung dalwang babae na teenagers ay nanginginig na sa takot.
"Nakaconnect kayo?" Tanong ko sa babaing tumatawag sa mga pulis.
"All I hear is a ra-- oh wait may sumagot na" agad namn akong lumapit sa kanya.
"I-loud speak mo" utos ko.
As I said ginawa naman nung babae ang utos ko.
'911 what's your emergency??' Agad na sumagot sa cellphone.
"Hello? Uhm, ahh..." dahil sa inis ko sa babaing nagpapanic na ako nlng ang sumagot.
"May namatat dito officer!" Singit ko sa babae.
"T-tama.." sang-ayon nung may hawak sa cp.
"Ako na ang hahawak" tas inagaw ko ang cp nya.
'What!? San kayo ngayon?' halata sa boses nya ang pagkagulat.
"Nasa tren kami ngayon" sagot ko.
'Ano!? Maghanap ka ng close train station na pwede kayong tumigil' utos niya.
"Len.." sabay tingin sa kanya.
Nakaintindi namn sya kaya agad syang dumungaw sa bintana ng tren at agad namang humarap sa'kin.
"Curse walang malapit na train station" nag-aalala nyang sagot.
"What!?"--ako.
'Well let me know kung sang train station kayo titigil??' Tanong ng pulis.
"Aa ******** Station" sagot ko.
'At sang lugar na kayo ngayon?'
"Sa ********".
'Ang malapit na station sa lugar na yan ay ang ******* Station pero malayu-layu pa sya, dun kami maghihintay naintindihan nyo?'.
"Opo!" Ako, at nag hung-up na yung pulis, ibinalik ko naman ang cp sa may-ari.
"Sa ngayon kailangan nlng nating maghintay na tumigil ang tren sa napakamalapit na station" sagot nung babae na nagmamay-ari sa phone.
Kinakabahang tumango naman ang mga pasahero.
Habang busy sila lumapit naman ako sa bangkay ng lalake, hinanap ko ang kanyang sugat, nang ikutin ko sya para makita ang likuran nya nagulat ako w-walang sugat o saksak man lang.
Napahawak ako sa ilalim ng baba ko at nag-isip...
"Siguro pinoison sya" sagot ko sa sarili, pero may nahagip ang mata ko sa kanyang leeg kaya tingingnan ko ito.
Nagulat naman ako, nandito ang saksak nya.
Kaya di ko nakita agad dahil maliit pero napakadiin ang pagkasaksak sa leeg nya.
Tingingnan ko ang sugat...
Sigurado akong ice pick ang gamit sa pagsaksak sa leeg nya.. tanging ang ganung bagay lang ang makakasaksak ng ganito kaliit na sugat.
Bigla namang may nahulog sa bulsa nung lalake dahilan ng pagkagulat ko
i-isang badge but not just any badge...
"Curse?"--Len.
Agad akong tumayu at tumakbo papalabas sa rest room at tumungo sa lugar kung san mapapahinto ang tren, ang control engine nito.
Nang makarating ako dun tama nga ang hinala ko.
"Curse baki--" natahimik naman si Len "a-asan ang driver?" Taka nyang tanong.
"Wala, dahil yung namatay na lalake, ay ang driver" sabay pakita ko sa badge na may tatak na sign ng train, kaya masasabi mong sya ang driver ng tren.
"WHAT!?" Gulat na sigaw ni Len.
Nagtinginan naman kami sa babae na hinihingal na lumapit sa'min.
"N-nalagpasan na natin ang pinakamalapit na station" hinihingal nyang sagot.
"Ano!?!?" Sabay naming sagot ni Len.
Sh*t!! sino naman daw ang gagawa ng ganito!?
******
to be continued...