Kabanata 65 Sabik akong pumasok sa opisina dahil sabik akong makita si Isidro. After finally labeling our relationship, mas naging uhaw ako sa presensya niya. Ngayong kami na talaga ay mas gusto ko siyang makasama. Hindi ko rin alam kung bakit, basta may kung anong nagtutulak sa akin na sulitin ang bawat sandaling magkasama kami. Pero pagkarating ko ng opisina ay natigilan ako nang madatnan ko si Amelia na nakaupo sa sofa at may hawak na take-out coffee mula sa isang sikat na coffee shop. Agad siyang lumingon sa akin nang may malapad na ngiti sa labi, pero nang makita niya ako ay agad din ‘yong nawala. “Oh, it’s just you,” tila dismayadong sabi niya bago ibinalik ang atensyon sa kapeng iniinom. “Is Isidro’s coming already?” “Hindi ko po alam, Ms. Amelia,” sagot ko sa kanya bago ako dumi

