Kabanata 57 - Part Ii ‘Let’s talk, please? Please hear my side.’ Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko habang tahimik na humihikbi. I am trying my best to suppress my sobs dahil pansin kong kanina pa patingin-tingin sa akin ang driver mula sa salamin ng sasakyan. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Kahit na ilang minuto na akong umiiyak ay hindi pa rin nababawasan ang bigat at sakit. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang sampal ng katotohanan—ang katotohanang naloko ako; that I blindly believed his words and everything he showed me. It really made me realize how young and naive I was to believe that love is all about butterflies. It didn’t really come to me that he would like though. Never did it ever cross my mind that he would hide something that important from me. “Ma’am, okay lan

