Kabanata 66 - Part III Napapikit ako nang humampas ang malamig na hangin sa aking pisngi. Ramdam ko ang hapdi sa bawat sulok ng aking mga mata dahil sa walang tigil na pagbuhos ng aking mga luha. At hindi ko alam kung ilang luha pa ba ang kailangan kong ibuhos para mawala ang sakit at bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Mahal na mahal ko si Isidro, sobra. Kaya sobrang sakit para sa akin na pagdudahan siya. I didn’t want to doubt him, never. I wanted to trust his words; to trust his ways. Pero hindi ko lang talaga maiwasan lalo na’t sa bawat pagkakataong sinusubukan kong pagkatiwalaan siya ay may nalalaman ako na nagiging dahilan para kwestyunin ko ang katotohanan ng mga sinabi at ipinadama niya sa akin. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para makailang beses na makaramdam nang gani

