Kabanata 5

1414 Words
Kabanata 5 "Hoy! Ano nga kasing iniiyak-iyak mo jan? Kanina ka pa ah? Buti hindi pa nauubus yang luha mo sa katawan!" Sita sakin ni Katastrophe pero ngawa lang ang sinagot ko sa kanya, mas nilakasan ko pa nga actually. Napangiwi naman siya sa ginawa ko at saka sunod-sunod na umiling at dire-diretsong pumasok sa banyo. Sumingaw naman ako sa panyong nasa my mesa kasi binabaha na ng ipon yong ilong ko, nang biglang lumabas uli si Katatrophe sa banyo. "Nakalimutan ko yong towel ko." At saka siya muling bumaling sakin at kinataka ko pa yong panglalaki ng mga mata niya ng tignan niya ako habang hawak-hawak ko yong panyo. "Joanna! Pangpunas yan ng mesa hindi singahan." Kaya naman pala medyo my amoy! Sa inis ko napasigaw nalang ako ng buwisit! Tinawanan naman ako ng loka at bumulong-bulong pa pero dinig na dinig ko naman. "Tanong-tanong din kasi minsan." Hindi ko nalang siya pinansin total naman ay tuluyan na siyang pumasok sa banyo. Panggabi na kasi ngayon yong work ni Katastrophe kaya naman mag-isa akong matutulog ngayon dito, na ayus lang naman sakin. Feel na feel ko din kasing mag-emote ngayon, ang sakit kasi ng puso ko! Pabagsak naman akong humiga sa kama ko at saka pinakatitigan yong kisame pero hindi din nagtagal yon kasi naalala ko bigla yong kissing scene nila Justin at Lenita! Hindi naman ako eengot-engot para hindi magets na my relasyon sila! Wala namang magkaibigang naghahalikan diba?! Muli na namang tuloy tumulo yong mga luha kung kanina ko pa gustong patigilin pero mukhang my sarili silang isip kasi wala pa din silang tigil kakatulo sa mga mata ko, masakit na nga yong mga mata ko kakaiyak eh. For sure bukas mamamaga 'to kakaiyak! "Are you okay Miss Cruz?" Bakit bas a tuwing tinatawag akong Miss Cruz ni Justin pakiramdam ko ay my sarcasm yong pagkakasabi niya. Tumango naman ako sa tanong niya at nagtanong din sa kanya ng hindi siya binabalingan ng tingin. "My kailangan po kayo Sir?" Walang buhay na sagot ko sa kanya. Minuto na naman ang lumipas pero wala pa din akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya nag-taas ako ng tingin, kaya nagkasalubong yong tingin namin at eto na naman yong puso ko, mashadong malantod, kagabi nagdurugo kasi my kahalikang ibang babae si Justin, tapos ngayon bilis-bilis na naman ng t***k para sa kanya, nagwawala na naman at gustong lumabas sa rib cage ko. Buti nalang talaga at kompletong-kompleto sa make up si Katastrophe at any time ay okay lang na makigamit ako. Kaya yong namamaga kung mata, naigatago ng eye-shadow at concealer. Ilang minuto din kaming nagkatitigan ni Justin at hindi ko talaga gusto yong kakaibang feeling kapag nagkakasalubong yong tingin namin kaya ako na yong nanunang nag-iwas ng tingin. Ginawa kung busy yong sarili ko kakatype sa comuter na nansa harapan ko. hanggang sa nadinig ko siyang bumuntong hininga at naglakad na paalis sa working table ko. Don lang ako nakahinga ng maluwag. Buti naman umalis na. Tulad ng bilin sakin ni Mrs. Thompson ng dumating ang lunchtime pinag-order ko ng pagkain si Justin. Ang dumating naman 'to nirequest ko sa delivery boy na ipasok 'to sa office ni Justin buti nalang at pumayag siya. Ayukong makia kasi si Justin, sumasakit na kinikilig lang yong puso ko at the same time. At saka ako nagdecide na bumaba sa canteen para kumain naman ng lunch. "Hi! Okay lang ba makita?" Bigla namang napa-anggat yong tingin ko ng my lalaking nagsalita sa kaharapan ko. Unang bumungad sakin yong suit and tie niyang damit kasunod nun yong hawak-hawak niyang plato hanggang sa tuluyan ko ng makita yong mukha niya. Sunod-sunod naman kong napalunok. Mga bess ang pogi! At lalo pang nagwala yong mga malalantod kung hormones ng ngumiti siya sakin. Wala sa sarili tuloy akong napatango-tango. Nagpasalamat naman siya sakin at muling ngumiti. Pakiramdam ko tuloy busog na busog na ako sa ngiti palang niya. Chaarr! "I'm Dustin but you can call me Dusty." Bigla pakilala niya sakin. Napaangat na naman tuloy ako ng tingin sa kanya at ayan na naman yong million-dollar smile niya. Nakagat ko naman yong pang-ibabang labi ko at saka ako tumango-tango. "Ngayon lang kita nakita dito. Bago ka lang ba? ...and what's your name?" Sunod-sunod pa niyang tanong. Buti nalang at busog na ako at nagkukunwari nalang na kumakain-kain pa. Fifteen minutes lang kasi yong naconsume kung time sa pagkain, eh meron akong one-hour break. Ayuko pang bumalik sa office at andon si Justin. "Joanna. Nice to meet you Dusty." Ayuko namang magmukhang masungit kaya naman ngumiti ako sa kanya... kahit na pilit lang. "Bago palang kasi ako dito. Kakastart ko nung Monday, sa my CEO office ako." "Oh ikaw pala yong bagong secretary ni Sir Justin." Tumango naman ako sa sinabi niya gusto ko pa ngang sanang idagdag na "Ako din pala yong asawa niya." Pero symepre hindi pwede! Hindi na nga asawa turing sakin ni Justin eh, empleyado nalang. "Buti pumayag si Miss Leni na halos ka-edad na si Sir Justin ang bago niyang secretary." Takang-taka sabi ni Dusty pati tuloy ako ay napakunot ang noo. Anong ibig niyang sabihin? Dahil na din sa sobrang pagkakacurious ko hindi ko naiwasang makapagtanong. "Anong kinalaman ni Lenita – este M-ma'am Leni sa secretary ni S-Sir?" Mukhang nadulas lang si Dusty sa sinabi niya kaya naman sunod-sunod siyang umiling. "Wala. Wala, huwag mo nalang pansinin yong sinabi ko." Urggghh! Kung close lang sana kami ng lalaking 'to kukulitin ko talaga siya ng bonggang-bongga! Hanggang sa ten minutes nalang bago matapos yong break ko, nagpaalam na ako kay Dusty. My mga iba pa kasi kaming napagkwnetuhan kaya hindi ko napansin yong oras. Tulad nalang na magkasing-edad lang pala sila ni Justin. Mas matanda sila ng tatlong taon sakin. So, thirty-two na siya habang ako naman ay twenty-eight. My pahabol pa nga siya bago ako tuluyang maalis eh. "Sabay tayo ulit na maglunch bukas ha?" Napangiti nalang ako at tumango-tango. Nang malabalik naman ako sa office napansin ko namang medyo naka-awang yong pinto ng office ni Justin. Napakunot naman yong noo ko at dahil kasama na talaga sa pagkatao ko yong pagiging curious ko, dahan-dahan akong naglakad at saka sumilip sa awing ng pinto ni Justin. Paulit-ulit ko pa ngang niwiwish na sana hindi ko na naman siya mahuling nakahubad! At salamat naman sa Diyos kasi pinakinggan niya yong wish ko, hindi ko nga nakitang nakahubad si Justin pero nakita ko naman siyang naka-upo sa swivel chair niya, habang my babaeng naka-upo don sa lap niya at magkalapit na magkalapit yong mukha nila. Halata namang nagkikiss sila eh! Tulad nga ng sabi ko bestfriend ko si Lenita kaya kahit na hindi ko man makita yong mukha ng babaeng kahalikan niya, sure na sure akong si Lenita yon! Natakip ko nalang yong mga kamay ko sa bibig ko kasunod ng sunod-sunod na pagluha ko. Mukhang hindi naman nila napansin yong ginawa kung pagsilip sa kanila kasi nakadinig pa ako ng sunod-sunod na ungol mula sa loob ng office ni Justin. Mukhang hindi nalang kiss yong ginagawa nila ngayon. Kung my pera lang sana ako, ako na mismo yong hihingi ng annulment kay Justin. Pero mahsadong mahal eh, hindi ko afford. Hanggang sa hindi ko namalayan nakatulugan ko nap ala yong pag-iyak ko. Kundi ko pa nadinig yong matinis na boses ni Lenita ay hindi pa sana ako magigising. "Joanna! Hindi ka naman binabayaran ni Justin dito para matulog lang." Masungit niyang sita sakin. Nang ianggat ko naman yong tingin ko, nasa harapan ko lan pala siya at nasa likuran naman niya si Justin na nakatingin din sakin, na nakapoker face lang. "Sorry ma'am hindi na mauulit." Sagot ko naman sa kanya. Inirapan naman niya ako. "Ihahatid lang ako sandali ni Justin sa parking lot! Baka mamaya sumaglit ka na naman ng tulog habang wala siya ha?!" Nagbaba nalang ako ng tingin at hindi na sumagot. Ramdam ko kasi yong sakit ng puson ko. anong petsa na nga ba ngayon? Mukang my dalaw pa ako, wala pa naman akong dala-dalang napkin! Nag tuluyan ng makaalis ng office sila Justin at Lenita, pumunta naman ako ng bathroom. Buti nalang at hindi ko na kinailangan pang lumabas ng thirty-three floor kasi my sariling bathroom 'tong office ni Justin. At nakumpirma ko ngang meron nga akong dalaw ng makita ko yong panty. Napaupo nalang ako sa toilet bowl at saka napabuntong hininga. Masakit na masakit yong puson ko at wala naman akong kakilala dito sa office na meron akong contact, para sana kung pwedeng humingi ako ng favor na bilhan ako ng napkin. Sigh. Mukhang wala akong choice kundi tiisin 'tong sakit ng puson ko para makaalis at bumili ng napkin pero hihintayin ko na munang makabalik si Justin. Baka pagalitan na niya ako this time kapag naabutan niya akong wala sa office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD